Ilang taon na rin ang lumipas,

Nang huli kitang makita.

Inalala mga tula mong sinulat

Noong dati'y tayo pa.

Ngayo'y wala ng pag-iibigan,

Wala na ring pagkakaibigan.

Paminsang kamustahan

Nauuwi sa hintayan,

Hintayang walang hinihintay.

Tayo'y magkaibang landas ang tinahak,

Di malaman kung pagtatagpuin pa;

At kung sakali man, paano kaya

Luluha ba o magagalak nalang?

Bakit pagpilian ang pagluha,

Ilang taon na rin ang lumipas.